MANILA, Philippines – NAKATAKDANG lumipad si Special Assistant to the President for Investment and Economic Affairs Secretary Frederick Go patungong Estados Unidos para makapulong ang US Trade Representative kasunod ng 17% reciprocal tariff na ipinag-utos ni US President following President Donald Trump na ipataw sa mga produkto ng Pilipinas.
“‘Probably this is what you’ve all been waiting for, but… we have reached out to the United States Trade Representative or USTR na tinatawag. Ang office po na ito, ito iyong responsible for all these trade tariffs ‘no,” ang sinabi ni Go sa press briefing sa Malakanyang.
”So, we’ve reached out to the USTR and we have communicated with them our desire to engage in a meeting or dialogue with them and they have positively responded so I will be scheduling a trip to the United States to meet with the USTR soon,” aniya pa rin.
Nauna rito, nagtakda si Trump ng 17% na taripa sa mga kalakal ng Pilipinas na darating sa Amerika simula Abril 9.
Sinabi ni Trump na kailangang palakasin ang pandaigdigang posisyon sa ekonomiya ng Estados Unidos at protektahan ang mga manggagawang Amerikano.
Inihayag din ni Trump na bahagi ito ng malawakang patakaran sa taripa na “Liberation Day.”
Ang 17 porsiyentong taripa ay mas mababa kumpara sa 34 porsiyentong ipinapataw sa mga produktong pumapasok sa bansa mula sa Amerika.
Base sa listahan na ipinost ni Trump sa Truth Socia ang 17% taripa ay mas mababa kumpara sa mga kapitbahay sa Southeast Asia na Vietnam (46%), Thailand (36%), Indonesia (32%) at Malaysia (24%) at Cambodia (49%).
Tanging Singapore lamang ang pinatawan ng 10 percent tariff.
Ayon kay Trump, may kagyat na pangangailangan na palakasin ang pandaigdigang posisyon sa ekonomiya ng Estados Unidos at protektahan ang mga manggagawang Amerikano. Kris Jose