MANILA, Philippines- Nagsagawa ang mga kalahok sa “Salaknib” exercises mula sa Philippine Army (PA) at sa US Army Pacific (USARPAC) ng serye ng drills na magpapaigting sa interoperability sa pagitan ng Filipino at American military units.
Sinabi ni Army spokesperson Col. Louie Dema-ala nitong Miyerkules na ang drills na ito, sa ilalim ng unang bahagi ng mga pagsasanay, ay kinabibilangan ng radio communication, field artillery live fire, sling load operations gamit ang helicopters, at medical evacuation.
Idinagdag niya na ito ay “subject matter expert exchanges” (SMEEs), mahalaga sa warfighting functions, na naganap sa Fort Magsaysay sa Nueva Ecija.
Sumasalamin ang “Salaknib,” nangangahulugang “shield” sa Ilocano, sa “historical bond” sa pagitan ng dalawang bansa mula pa noong World War II nang magsanib-pwersa ang Filipino at American troops upang depensahan ang kalayaan at demokrasya.
Ang “Salaknib” Phase 1, nakatakda mula March 24 hanggang April 11, ang ika-10 iteration ng annual military maneuvers sa pagitan ng mga sundalong Pilipino at Amerikano.
Kasado naman ang “Salaknib” Phase 2 mula May 19 hanggang July 20. RNT/SA