Home METRO 2 totoy nalunod sa ilog

2 totoy nalunod sa ilog

MANILA, Philippines- Nalunod ang dalawang batang lalaki sa isang ilog malapit sa Brgy. Loma de Gato, Marilao, malapit sa boundary ng Brgy. Bahay Pare ng Meycauayan City, Bulacan nitong Martes.

Kinilala ng mga pulis ang mga biktima na sina Justine, 10, at Sabrino, 11, kapwa mula sa Meycauayan City.

Lumabas sa imbestigasyon na naglalangoy ang mga biktima sa ilog sa ilalim ng heritage bridge sa Barangay Loma de Gato nang tangayin sila ng malakas na anod.

Agad na tinangkang sagipin ng rescue teams mula sa Barangays Bahay Pare ng Meycauayan City at Loma de Gato ng Marilao ang mga biktima subalit hindi sila nagtagumpay.

Narekober ang mga labi ng mga biktima sa ilog dakong alas-12:15 at alas-2:33 ng hapon. RNT/SA