Home ENTERTAINMENT Nude painting ni Gardo, bet ibenta kay Boss Toyo!

Nude painting ni Gardo, bet ibenta kay Boss Toyo!

Manila, Philippines – Kung hindi lang naawat ng mga netizens, malamang na may madadagdag na naman sa humahabang listahan ng mga binibiling memorabilia si Boss Toyo mula sa mga artista.

Pinagkaguluhan kasi ang ifinlex na nude painting ni Gardo Versoza.

Inspired ‘yon ng European painting kung saan ang mala-god of love na si Gardo ang nakahubad at nakalutang sa ere.

Pero parang hindi naman seryoso ang aktor, kundi ibinida lang ang hubo’t hubad niyang katawan na pagkaganda-ganda ang pagkakapinta.

May pa-survey pa kasing nalalaman ang kilalang si Cupcake.

Ani Gardo: “Puwede ba ‘to, Boss Toyo? Magkano ka (kung bibilhin mo)? Hindi ko na kasi makita ang rebulto ni Machete!”

Ang Machete ay ang pamagat ng pelikula ni Gardo sa Seiko Films.

Naging maagap naman ang mga netizens sa pag-awat sa aktor.

“Cupcake, huwag mo na ibenta! Collector’s item ‘yan. Maganda pa ang pagkaka-paint!”

Tumugon naman ang aktor ng: “OK, Cupcake!”

Kung noong nangallangan si Gardo ng pera para sa kanyang heart operation, posibleng tinotoo niya ang pagbebenta ng kanyang nude painting.

Matatandaang nagkaroon ng heart attack ang aktor last year.

Kinailangan niyang ibenta ang kanyang mga gym equipment para mangalap ng pondong kallangan para sa naturang operasyon. Ronnie Carrasco IIi