Home HOME BANNER STORY Number coding muling iiral sa Metro Manila ngayong April 1

Number coding muling iiral sa Metro Manila ngayong April 1

MANILA, Philippines- Muling umarangkada ang number coding scheme ngayong Lunes, Abril 1, ayon sa Metropolitan Manila Development Authority (MMDA).

Sinuspinde ang Expanded Unified Vehicular Volume Reduction Program mula March 27 hanggang 29 sa paggunita ng Holy Week, ang pinakabanal na linggo para sa mga Katoliko.

Sa isang abiso, sinabi ng MMDA na kasado ang number coding rule mula alas-7 ng umaga hanggang alas-10 ng umaga at alas-5 hapon hanggang alas-8 ng gabi tuwing weekdays, maliban sa weekends at holidays.

Gayundin, binanggit ng MMDA na sa ilalim ng number coding, “vehicles are prohibited from traveling on the streets of Metro Manila based on the last digit of their license plates during the designated coding hours.”

“Plates ending in 1 and 2 are covered by the coding on Mondays, 3 and 4 on Tuesdays, 5 and 6 on Wednesdays, 7 and 8 on Thursdays, and 9 and 0 on Fridays,” paliwanag nito.

Subalit, sa ibang bahagi ng Metro Manila, kabilang ang Makati City at ilang lugar sa Manila City, walang window hours sa implementasyon nila ng number coding rule.

Ayon pa sa MMDA, exempted sa number coding ang mga sumusunod:

  • Public utility vehicles (kabilang ang mga tricycle)

  • Transport network vehicle services (TNVS)

  • Motorcycles

  • Garbage trucks

  • Marked government vehicles

  • Fuel trucks

  • Marked media vehicles

  • Fire trucks

  • Ambulances

Motor vehicles na may kargang perishable at/o essential goods. RNT/SA

Previous article4 suspek sa pamamaril sa ex-barangay chairman pinaghahanap
Next articleBebot na nagbitiw ng bomb joke arestado