MANILA, Philippines – Sinuspinde ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ang expanded number coding scheme sa Abril 9 kasabay ng paggunita sa regular holiday ng Araw ng Kagitingan.
Sa advisory ng ahensya, sinabi ng MMDA na, “Awtomatikong sinususpinde ang number coding tuwing regular at special non-working holidays.”
Pinaalalahanan din nito ang mga motorista na planuhin ang kanilang biyahe. “Planuhing mabuti ang inyong biyahe upang maiwasan ang anumang aberya. Mag-ingat sa inyong pagmamaneho,” ayon sa ahensya.
Ang anunsyo ng MMDA ay kasunod ng naunang abiso ng MRT-3 at LRT-2 hinggil sa libreng sakay sa Abril 9.
Maaari ring mag-avail ng libreng sakay ang mga beterano sa MRT-3 mula Abril 6 hanggang 11 sa buong oras ng operasyon, habang magbibigay naman ng libreng sakay ang LRT-2 para sa lahat mula 7 a.m. hanggang 9 a.m. at 5 p.m. hanggang 7 p.m. Dave Baluyot