Home NATIONWIDE Number coding suspendido sa Enero 29

Number coding suspendido sa Enero 29

MANILA, Philippines – Inanunsyo ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) nitong Lunes, Enero 27 na suspendido ang number coding scheme sa Enero 29 bilang pagdiriwang ng Chinese New Year.

“Kung Hei Fat Choi! Suspendido ang pagpapatupad ng expanded number coding scheme sa Miyerkules, Enero 29, bilang pagdiriwang ng Chinese New Year,” saad sa Facebook post ng MMDA.

“Kadalasang mabigat ang daloy ng trapiko sa mga lugar tulad ng Binondo sa Maynila kung saan isinasagawa ng mga Tsinoy ang kanilang tradisyon,” dagdag pa.

Bago rito, sinabi ng Manila Police District-Public Information Office na ang mga sumusunod na kalsada ay hindi madaraanan mula Enero 28 ng alas-9 ng gabi:

Kahabaan ng Quintin Paredes mula P. Burgos Avenue hanggang Dasmarinas Street; Jones Bridge; Plaza Cervantes; at Binondo-Intramuros Bridge. RNT/JGC