Home NATIONWIDE Numero ni TOL sa balota, mananatiling 61

Numero ni TOL sa balota, mananatiling 61

Mananatili sa 61 ang numerong naka-assign kay reelectionist Senator Francis 'Tol' Tolentino sa listahan ng mga senatoriables sa balota na gagamitin sa May 12 elections. Mag-iimprenta ng mga bagong balota ang Comelec matapos mag-isyu ng temporary restraining order ang Korte Suprema para maibalik ang pangalan ng ilang kandidato na nauna nang idineklara bilang ‘nuisance bets’ ng poll body.

MANILA, Philippines – Mananatili sa 61 ang numero ni Senate Majority Leader Francis ‘Tol’ Tolentino sa listahan ng mga kandidato sa pagka-senador sa opisyal na balotang gagamitin para sa May 12 elections.

Ito ang siniguro ni Commission on Elections (COMELEC) Chairperson George Garcia, sa panayam sa programang SOS sa DZRH, kung saan isa sa mga co-anchor si Tolentino.

Ayon kay Garcia, ang numerong naka-assign kay Tolentino at iba pang senatoriables na ang mga pangalan sa balota ay susunod sa nasa ika-58 sa listahan, na si dating Ilocos Sur Governor Chavit Singson, ay di rin mababago.

Niliwanag ng poll body chief na ito ay resulta ng: (1) pagdadagdag sa balota ng pangalan ni senatorial aspirant Subair Guinthum Mustapha, na nakakuha ng temporary restraining order (TRO) mula sa Korte Suprema laban sa desisyon ng Comelec na nagdedeklara sa kanya bilang nuisance candidate; at (2) ang pormal na pag-atras ni Singson ng kanyang kandidatura dahil sa kanyang kalusugan.

Samantala, ang mga numerong naka-assign sa senatoriables na ang mga pangalan ay susunod kay Mustapha at bago ang slot na dating kay Singson ay magbabago sa updated ballots na ipapa-imprenta ng Comelec.

“Dapat nating respetuhin ang Korte Suprema dahil rule of law yan,” ani Garcia, na nagsabing naisagawa na ng poll body ang mga nararapat na adjustments, at nakahanda na rin itong simulan ang pag-iimprenta ng mga bagong balota sa Miyerkules.

Sumang-ayon naman kay Garcia si Tolentino, na isang abogado. Nanawagan din si TOL sa publiko na suportahan ang Comelec para sa pagdaraos ng mabilis at maayos na halalan sa darating na Mayo. RNT