Home NATIONWIDE Obrero na nakaupo sa motorsiklo, binaril-patay

Obrero na nakaupo sa motorsiklo, binaril-patay

217
0

COTABATO- SABOG ang bungo ng isang obrero matapos malapitan barilin sa ulo ng hindi pa kilalang suspek habang ang una ay nakaupo sa kanyang motorsiklo, kahapon ng hapon, Oktubre 16 sa bayan ng Carmen.

Kinilala ang biktimang si Benjie Maningged, nasa hustong gulang at residente ng Poblacion Carmen, Cotabato.

Batay sa report ng Carmen Municipal Police Station, bandang 1:15 PM ng Oktubre 16, 2025 naganap ang krimen sa naturang lugar.

Lumabas sa inisyal na imbestigasyon ng pulisya, nakaupo ang biktima sa kanyang motorsiklo ng bigla na lamang itong lapitan ng hindi kilalang suspek saka binaril sa ulo.

Matapos ang krimen, mabilis na tumakas ang suspek sa hindi malamang direksyon.

Isinugod naman sa ospital ang biktima subalit sa daan pa lamang ay nalagutan na ito ng hininga.

Inaalam na ng mga awtoridad ang tunay na motibo sa krimen at pagkakakilanlan sa suspek para sa agaran pagdakip. Mary Anne Sapico

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here