MANILA, Philippines – Patay ang isang construction worker sa Lucena CIty matapos itong barilin sa harapan mismo ng construction site sa Quezon Avenue, Barangay 4, Lucena City nitong Sabado, Hunyo 1.
Sa ulat ng Lucena City Police Station, nakatayo ang biktima na kinilalang si Reymark Molina, 18-anyos nang lapitan ng suspek at barilin nang malapitan sa ulo.
Ang suspek ay tinukoy ng pulisya na si alyas “Jabber” ng Marketview, Lucena City.
Gamit ng suspek ang kalibre .45 na pistola.
Matapos ang pamamaril ay agad na umalis at naglakad palayo ang suspek.
Iniimbestigahan na ng Lucena City police ang motibo ng pagpatay. RNT/JGC