Home METRO P4.5M marijuana mula Canada, nasabat ng BOC

P4.5M marijuana mula Canada, nasabat ng BOC

MANILA, Philippines – Nasabat ng mga tauhan ng Bureau of Customs – Ninoy Aquino International Airport ang ilang parcel na naglalaman ng P4.5 milyong halaga ng marijuana.

Sa pahayag nitong Sabado, Hunyo 1, ang parcel ay naglalaman ng 323 gramo ng hinihinalang high-grade marijuana o kush na nagkakahalaga ng P4,524,800 sa
Central Mail Exchange Center (CMEC) sa Pasay City.

Ang kargamento ay mula Toronto, Canada at idineklarang “regalo” sa isang indibidwal na taga-Quezon City.

Iimbestigahan pa ito ng mga awtoridad at posibleng masampahan ng kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 (RA No. 9165), na may kaugnayan sa Customs Modernization and Tariff Act (RA No. 10863).

“The BOC remains committed to stopping the entry of illegal importation of drugs and other anti-social goods,” ayon kay BOC Commissioner Bienvenido Rubio. RNT/JGC