MANILA, Philippines – Nagsagawa ng serye ng bilateral talks si Philippine National Defense Secretary Gilberto Teodoro Jr. sa kanyang mga counterpart mula sa Lithuania, Canada, at New Zealand nitong Sabado, Hunyo 1 upang palalimin pa ang usapin sa defense at security cooperation.
Sa meeting sa sidelines ng Shangri-La Dialogue sa Singapore, nag-alok ng training si Lithuanian Defense Minister Laurynas Kasciunas sa bansa para sa cybersecurity, sinabi ng Department of National Defense.
Inatasan ni Teodoro ang kanyang senior defense officials na pag-aralan ang posibilidad ng memorandum of understanding sa defense cooperation kasama ang Lithuania.
Kinilala naman ni Canadian Minister of Defense Bill Blair ang “long, enduring friendly relations” ng Canada sa Pilipinas.
Pinuri niya ang Pilipinas sa pakikipag-ugnayan nito sa US, Japan at South Korea bilang defense at security alliances.
Nakipagkita rin si Teodoro kay Judith Anne Collins, Minister of Defense ng New Zealand.
Binuksan ni Collins ang bilateral meeting sa pagsasabing ang kanyang bansa ay “deeply concerned with what is happening in the West Philippine Sea.”
“New Zealand has to engage the Indo-Pacific region,” aniya.
“The Philippines is not causing the problem over there,” tugon naman ni Teodoro kay Collins.
Pinag-usapan ng dalawa ang mas malakas na defense cooperation, partikular na sa engineering at logistics. RNT/JGC