MANILA, Philippines – Hindi na nagawang makapalag ng isang construction worker matapos itong arestuhin sa kasong rape sa isinagawang manhunt operation nang pinagsanib na pwersa ng Laguna Provincial Mobile Force Company at San Pedro PNP kahapon sa lungsod ng San Pedro, Laguna.
Ang suspek na pansamantalang nakapiit ngayon sa San Pedro City BJMP ay nakilala sa alyas na Merjune, 38, residente ng Barangay Estrella ng nabanggit na lungsod.
Sa report ni 1st Laguna PMFC Acting Force Commander PMaj Karlos P Lanuza, dakong 3:50 ng hapon noong Oktubre 2 nang arestuhin ang akusado sa bisa ng warrant of arrest RA 7610 sa kasong rape na inisyu ni Hon. Francisco Dizon PaƱo ng Branch 93 Regional Trial Court Fourt Judicial Region San Pedro City, Laguna.
Napag-alaman na ang suspek ay itinuturing na Most Wanted Person kung saan ang suspek ay hindi umano pinapayagang makapaglagak ng kaukulang piyansa. Ellen Apostol