Home NATIONWIDE OCD: Higit 3.14 milyong apektado ng mga pag-ulan, bagyo

OCD: Higit 3.14 milyong apektado ng mga pag-ulan, bagyo

1
0

MANILA, Philippines – Umabot na sa 3.14 milyong katao o 909,133 pamilya ang naapektuhan ng Tropical Depressions Luis at Maymay at ng habagat, ayon sa Office of Civil Defense (OCD).

Ayon kay OCD public information officer Diego Mariano, ang mga apektadong residente ay mula sa Ilocos Norte, Cagayan Valley, Central Luzon, Bicol Region, Western Visayas, Zamboanga Peninsula, Cordillera region, National Capital Region, at Mimaropa.

May 881 evacuation centers na kasalukuyang kumukupkop sa 22,893 pamilya o 80,442 indibidwal.

Umabot na sa P342.1 milyon ang naipamahaging tulong sa mga apektadong komunidad.

Sinabi rin ng OCD na bineberipika pa ang ulat ng 21 nasawi: 15 sa Benguet, 3 sa Rizal, at 3 sa Batangas.

Tinatayang 904 bahay ang nasira at 68 ang tuluyang nawasak.

Ang pinsala sa imprastraktura ay tinatayang P2.11 milyon, habang ang pinsala sa agrikultura ay umabot sa P196.85 milyon. RNT/MDS

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here