Home HOME BANNER STORY Odd-even scheme sa EDSA, target ipatupad kasabay ng road rehab

Odd-even scheme sa EDSA, target ipatupad kasabay ng road rehab

MANILA, Philippines — Pinag-aaralan ng gobyerno ang odd-even scheme sa EDSA kasabay ng matinding trapik na inaasahang idudulot ng malawakang rehabilitasyon ng kalsada.

Ayon kay DPWH Undersecretary Rovert Bernardo, aalisin ang lumang kongkreto, aayusin ang base, muling tatakpan ng semento, at lalagyan ng aspalto.

Sinabi naman ni MMDA Chairperson Romando Artes na ito ay isang “one-time big-time” na pagkukumpuni upang hindi na maulit ang abala. Mananatiling bukas ang EDSA bus carousel, ngunit ang mga pribadong sasakyan ay kailangang gumamit ng natitirang mga lane.

Nag-aalala naman ang ilang motorista at delivery riders dahil sa posibleng epekto nito sa kanilang kabuhayan. RNT