Home HOME BANNER STORY AKAP para lang sa below minimum wage earners – DSWD

AKAP para lang sa below minimum wage earners – DSWD

MANILA, Philippines — Pinaigting ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) ang patakaran sa Ayuda sa Kapos at Kita Program (AKAP), kung saan tanging mga kumikita ng mas mababa sa minimum wage ang maaaring makatanggap ng ayuda.

Ayon kay DSWD Secretary Rex Gatchalian, layunin nitong masigurong ang tulong ay mapunta sa tunay na nangangailangan at maiwasan ang pulitikal na panghihimasok.

“Dati kasi last year, ang term na ginamit sa special provision was low income. So, ngayon, mas defined siya as below minimum wage… mas manipis siya,” paliwanag ni Gatchalian.

Ipinagbabawal na rin ang presensya ng mga pulitiko sa pamamahagi ng ayuda.

Ang listahan ng mga benepisyaryo ay ilalathala buwan-buwan para sa transparency. Noong 2024, nakatulong ang AKAP sa 4.2 milyong Pilipino gamit ang PHP26.157 bilyon.

Target nitong matulungan ang 5 milyong benepisyaryo sa 2025 gamit ang PHP26-bilyong pondo. Santi Celario