Home HOME BANNER STORY Sakit sa tag-init ibinabala ng DOH

Sakit sa tag-init ibinabala ng DOH

(c) Crismon Heramis

MANILA — Nagbabala ang Department of Health (DOH) sa posibleng sakit dulot ng matinding init kasabay ng opisyal na pagsisimula ng tag-init ayon sa PAGASA.

Kabilang sa mga panganib ang heat stroke, sakit sa balat gaya ng sunburn at bungang araw, sore eyes, at food poisoning.

(c) Crismon Heramis

Pinapayuhan ang publiko na gumamit ng sunscreen (SPF 30+), magsuot ng preskong damit, at maligo nang madalas upang maiwasan ang iritasyon sa balat.

Dapat ding tiyakin ang tamang pag-iimbak ng pagkain upang maiwasan ang pagkalason.

Inirerekomenda rin ng DOH ang pag-inom ng maraming tubig, pag-iwas sa araw mula 9 a.m. hanggang 4 p.m., at paghanap ng lilim kung nasa labas.

Ang mga nakakaranas ng matinding pagkahilo o pagkawala ng malay dahil sa init ay dapat dalhin agad sa ospital. RNT