MANILA, Philippines – Tuloy ang byahe ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., sa Canada para sa isang official visit mula Hulyo 1 hanggang 4.
Mismong si Presidential Communications Office (PCO) Acting Secretary Dave Gomez ang nagkumpirma nito sabay sabing “there will be no changes in the schedule of the president going to Canada tomorrow.”
Naging isang malaking katanungan kasi kung tutuloy pa ang Pangulo sa byahe niya sa Canada matapos na magsagawa ng “emergency rally” ang Iglesia ni Cristo sa EDSA White Plains.
Dahil sa nasabing rally, kinansela ang sana’y pagdalo ng Pangulo sa Foreign Correspondents Association of the Philippines (FOCAP) Presidential Luncheon sa Makati City dahil mas pinili nitong i-monitor ang situwasyon sa EDSA.
“Minomotor din niya ang kapakanan ng ibang kababayan na naiipit sa gitna ng Edsa pati na rin ang pagsasagawa ng mga kapulisan ng kanilang mandato na magbigay proteksyon at seguridad sa mga inosente nating kababayan,” ang sinabi ni Presidential Communications Office (PCO) Undersecretary at Palace Press Officer Claire Castro.
Dahil pa rin sa naturang rally, ni–lockdown ang 2 gates ng Malakanyang, ang Arlegui at Solano gates. Ang JP Laurel gate lang ang nakabukas. (KRIS JOSE)