Home NATIONWIDE Lacson tiwala sa Ombudsman na di ‘bibigay’ sa INC rally

Lacson tiwala sa Ombudsman na di ‘bibigay’ sa INC rally

4
0

MANILA, Philippines – Nagpahayag ng kumpiyansa si Sen. Panfilo “Ping” M. Lacson nitong Martes na hindi magpapaimpluwensya si Ombudsman Jesus Crispin Remulla sa rally ng Iglesia ni Cristo (INC) bilang suporta kay Sen. Rodante Marcoleta.

Umaasa din si Lacson na mapananatili ng Philippine National Police (PNP) ang kapayapaan at kaayusan sa kabila ng mga pagkaantala at abalang dulot ng mga tagasuporta ni Marcoleta.

“Ombudsman Boying is tough as a Caviteño will always be. I trust that he won’t cave in to the INC rallies and pressure – not today, not tomorrow and certainly not when Sen Marcoleta’s plunder case is filed in court as earlier announced,” pahayag ni Lacson sa X.

“His INC backers may block EDSA all they want and cause traffic jams and chaos to the discomfort of ordinary commuters. Surely, the PNP will be there to maintain peace and order,” dagdag niya.

Nagsagawa nitong Martes ng isang biglaang rally sa kahabaan ng EDSA sa Quezon City ang mga miyembro ng INC upang tutulan ang posibleng pag-aresto kay Marcoleta, na miyembro rin ng kanilang relihiyosong grupo. Ang kaso laban kay Marcoleta ay may kaugnayan sa P75 milyong halaga ng mga regalo o donasyong tinanggap niya noong Enero 2025, noong siya ay kongresista pa.

Ilang katao ang iniulat na naaresto sa naturang rali habang tumitindi ang tensiyon sa pagitan ng mga nagpapatupad ng batas at mga kalahok sa protesta.

Kinumpirma ng INC na isinagawa ang rali sa EDSA bilang suporta kay Marcoleta, na nagsabing ang mga kasong plunder laban sa kanya ay naglalayong pigilan siya sa paglalantad ng katiwalian at sa paglahok sa impeachment trial ni Vice President Sara Duterte.

Nauna nang tinuligsa ni Lacson si Marcoleta dahil sa gaslighting, lalo na matapos nitong banggitin ang naging pahayag ni Lacson na maaari pang maaresto at makulong ang siyam na iba pang senador.

Binigyang-diin ni Lacson na ang pagtukoy niya sa posibilidad na makulong ang siyam na senador ay isang “hypothetical statement in the context of determining the base number to compute the constitutional requirement of 2/3 vote of all senators actively participating or not in the impeachment trial.” Ernie Reyes

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here