MANILA, Philippines – Nanatiling normal ang operasyon ng MRT-3 ngayong Martes sa kabila ng isinasagawang protesta malapit sa People Power Monument sa Quezon City.
Ayon sa MRT-3, bukas at tuloy-tuloy ang biyahe sa lahat ng 13 istasyon nito, mula North Avenue hanggang Taft Avenue, upang patuloy na makapaglingkod sa mga pasahero.
Dagdag pa ng MRT-3, naka-deploy ang kanilang station personnel at security teams sa lahat ng istasyon upang mapanatili ang kaayusan, kaligtasan ng mga pasahero, at maayos na operasyon ng tren.
Matatagpuan ang lugar ng protesta sa pagitan ng Santolan-Annapolis at Ortigas stations, ngunit wala itong naging epekto sa operasyon ng MRT-3. RNT/MDS