MANILA, Philippines – Binigyan ng agarang tulong ng Department of MIgrant Workers(DMW) ang isang OFW patungong Seoul, South Korea na nakaranas ng mscarriage o nakunan habang lulan ng Jeju Air mula sa PIlipinas patungong Incheon.
Nakumpirma ng DMW ang insidente sa pamamagitan ng Philippine Embassy sa Seoul na ang pagpanaw ng sanggol ay “in-flight miscarriage” sa Jeju Air.
Mabilis na naibigay ang tulong mula sa ahensya sa pamamagitan naman ng Migrant Workers Office (MWO) sa Seoul, Korea.
Ayon sa DMW, kasama sa flight ng OFW ang kanyang mister, biyenan at anak na babae galing sa Clark International Airport at nag-stopover sa Incheon Airport bilang transiting passengers papuntang Saipan.
Ayon sa DMW, agad rumesponde ang 911 rescue team at dinala ang OFW sa INHA University Hospital sa Incheon ngunit hindi na nailigtas ang sanggol na idineklarang dead on arrival.
Nasa mabuting kalagayan na ang OFW at iniimbestigahan na rin ng Incheon police ang insidente, ayon kay Migrant Workers Seceratr Hans Leo Cacdac. Jocelyn Tabangcura-Domenden