Muling iginiit ni Deputy Speaker Camille Villar ang kanyang pagtutok sa kapakanan ng mga OFW, na aniya’y may mahalagang ambag sa ekonomiya ng bansa.
“Malaki ang naiaambag ng ating mga OFW sa ating ekonomiya. Karapat-dapat lamang na sila ay alagaan at suportahan,” ani Villar sa pagtitipon sa Quezon.
Binigyang-diin din ni Villar ang patuloy na suporta ng kanilang pamilya sa mga OFW, kabilang na ang legal na tulong, repatriation, at kabuhayan.
“Matagal na po naming adbokasiya ang pagtulong sa ating mga OFW. Patuloy naming isusulong ang mga programang tunay na makikinabang sila,” dagdag pa niya.
Isa rin siya sa mga nagsulong ng Republic Act 11641, na lumikha sa Department of Migrant Workers.
Nagpasalamat si Villar kay Gov. Helen Tan at sa mga lokal na opisyal sa suporta sa kanyang kandidatura: “Maraming salamat po sa mainit na pagtanggap at sa pagbibigay ng pagkakataong maabot ko ang inyong mga kababayan.”
Aniya, prayoridad niya ang OFWs, agrikultura, at imprastraktura: “Bilang isang millennial leader, nais kong magdala ng mga bagong ideya sa pamahalaan upang mapaunlad ang buhay ng bawat Pilipino.” RNT