Home ENTERTAINMENT Shaina, nagbago ang isip sa Amerika!

Shaina, nagbago ang isip sa Amerika!

Manila, Philippines- Papunta na sanang Amerika si Shaina Magdayao pero biglang nagbago ang desisyon niya.

Kung bakit?

Ito ay dahil dumating ang offer na gawin niya ang seryeng  Sins of the Father na pagbibidahan ni Gerald Anderson.

Sa isa niyang interview, sabi niya, “It is an answered prayer. I’ve been praying for reasons to stay longer. Coz there’s an opportunity na medyo umalis na muna ng Pilipinas, and to pursue whatever it is.”

Para kay Shaina ay hindi niya dapat palampasin ang magandang kwento ng serye at ang mga kasamahan dito.

“This project came. Kung ganito kaganda ‘yung project, ang hirap hindian.

“Pagda­ting sa materyal, pagdating sa mga kasama ko sa show. And also to be able to work with direk FM Reyes again,” pagbabahagi pa ng dalaga.

Sa seryeng Pamilya Sagrado huling napanood si Shaina.

Aminado siyang mapili na rin siya sa pagtanggap ng mga projects.

Bukod kay Shaina at Gerald, kasama rin sa Sins of the Father sina  Seth Fedelin, Francine Diaz  Jessy Mendiola, JC de Vera, Joko Diaz, Tirso Cruz III, RK Bagatsing, Soliman Cruz, Nico Antonio, Jerald Napoles at LA Santos. Rommel Placente