Home NATIONWIDE Unconsolidated jeepneys papayagang makabiyahe muli – DOTr

Unconsolidated jeepneys papayagang makabiyahe muli – DOTr

MANILA, Philippines- Tiniyak ni Transportation Secretary Vince Dizon sa mga nagpoprotestang mga tsuper na ang unconsolidated jeepney operators at drivers ay papayagang muling bumiyahe sa kanilang ruta.

Ngunit hiniling niya sa mga tsuper ang mas mahabang panahon para makabuo ng mekanismo para gawing legal ang kanilang operasyon.

Iginiit ni Dizon na ang mekanismo ay hindi magiging “stressful” para sa mga tsuper.

Pagtitiyak ni Dizon sa mga tsuperm ang mahalaga ay makakabiyahe sila nang legal.

Nauna nang nangako si Dizon na titingnan ang mabagal na proseso ng pagsasama-sama ng prangkisa para sa mga public utility vehicles matapos malaman na wala pang kalahati ng PUV sa bansa ang ganap na nakasunod sa modernization requirement.

Noong nakaraan, ang Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ay nagpahayag ng 86 percent nationwide consolidation rate.

Ngunit sa isang ress conference, kinumpirma ni Dizon ang ulat na 43 percent lamang ng bilang ang naaprubahan ang aplikasyon sa ngayon ng LTFRB.

Matapos suriin ni Dizon ang datos ng LTFRB, inimbitahan ang iba’t ibang transport groups kabilang ang Manibela na kasalukuyang nagwewelga para sa dayalogo.

Kabilang sa mga bagay na kinokonsidera ay ang posibleng pagpayag sa jeepneys na i-renew ang kanilang provisional authority to operate. Jocelyn Tabangcura-Domenden