Home ENTERTAINMENT Ogie, nagpasaring kay Liza!

Ogie, nagpasaring kay Liza!

Manila, Philippines – Nag-throwback si Ogie Diaz.

Tandang-tanda pa niya na unang inialok ang female lead role ng Pinoy remake ng K drama na It’s Ok Not To Be Ok sa dati niyang alagang si Liza Soberano.

The offer was made via a Zoom meeting kung saan maraming proyekto ang pini-pitch para pagpilian ni Liza.

‘Yun din ang time na malapit na raw palang kumalas kay Ogie si Liza.

Katwiran ni Liza, hindi raw kasi siya binibigyan ng pagkakataon which TV project she wanted to do.

Kaya dumating na raw sa puntong hinayaan na lang daw ng ABS-CBN si Liza kung ano ang kanyang gusto.

Dahil ni-reject nga ni Liza, sa iba ‘yon inialok.

Finally, the project landed on the lap of Anne Curtis.

Tinanggap ‘yun ni Anne dahil itinuring niyang dream project ‘yun kesehodang inintriga siyang mukha raw tita na ni Liza dahil sa kanyang edad.

Pero depensa ni Ogie, ang mahalaga’y si Anne ang final choice regardless of age.

Payo pa ni Ogie, sana raw ay hindi magbago ng attitude si Anne given the fact na maraming artista ang nagbabago ng ugali.

Kinantyawan tuloy si Ogie ng kanyang mga co-hosts na mukhang pasaring ‘yon kay Liza, na obyus nga namang malaki ang ipinagbago.

“Gagah!” sagot ni Ogie sa pang-lintriga sa kanya.

Sabi nga: hindi bubukol kung hindi uukol.

Clearly, Anne’s gain is Liza’s loss! Ronnie Carrasco III