Home ENTERTAINMENT Ogie, pinagtawanan ang isyu kay Boy!

Ogie, pinagtawanan ang isyu kay Boy!

Manila, Philippines – Ni sa llusyon ay wala sa planong palitan ni Ogie Diaz ang nag-iisang King of Talk na si Boy Abunda.

Ito ang nais ipagdiinan ng talent manager cum vlogger bilang reaksyon sa obserbasyon ng marami kaugnay ng kanyang panayam sa mag-inang Kris Aquino at Bimby kamakallan.

Bumiyahe pa si Ogie sa Orange County sa Los Angeles kung saan naninirahan si Kris.

Sa totoong buhay, inaanak ni Kris sa binyag ang panganay na anak ni Ogie na si Erin na kasama niyang lumipad sa US.

Hindi naiwasang pagkumparahin sina Boy at Ogie sa paraan ng kanilang panayam kay Kris.

Bagama’t kahit paano’y ikinatuwa ni Ogie ang mga komento na mahusay niyang naitawid ang interbyung ‘yon, hindi raw dahilan ‘yon para sabihing nakakaangat siya kay Boy.

Pag-amin ni Ogie: “Marami pa akong bigas na kakainin!”

Aminado si Ogie na pagdating sa hosting ay tinitingala niya ang kahusayan ni Boy.

Pero modesty aside, kailangan daw muna niyang mag-aral magsalita sa wikang Ingles.

Kilala nga naman si Boy na mahusay sa Ingles sa twing nag-interbyu siya.

Pakiusap ni Ogie: “Huwag n’yo sana kaming intrigahin ni Kuya Boy!”

In fairness, aware daw si Ogie na tinatawanan lang din ni Boy ang mga komento.

Tiyak na masaya pa nga ito para kay Ogie na kinakikitaan ng galing sa pagho-host.

To top it all, nasa estado na si Boy kung saan he feels most secure about himself, but one who welcomes other people who aspire to excel in hosting.

Nagte-train nga si Boy ng mga TV host, at proud nga siyang sumailalim sa kanyang training ang tulad ni Toni Gonzaga.

Entonces, hindi isang isyu ito–maliit man o malaki–sa pagitan nina Boy at Ogie.

End of argument. Ronnie Carrasco III