Home NATIONWIDE Oil deregulation law ipinababasura ng transport group

Oil deregulation law ipinababasura ng transport group

193
0

MANILA, Philippines – Nanawagan ang transport group na Pinagkaisang Samahan ng mga Tsuper at Operator Nationwide (PISTON) sa pamahalaan na ibasura na ang Oil Derugulation Law (R.A 8479) sa gitna ng serye ng malalaking taas-presyo ng produktong petrolyo at tensyon sa Gitnang Silangan.

Sinabi ni PISTON national President Mody Floranda, nabigo ang pamahalaan at ang naturang batas na maihatid sa mga mamamayan ang pangako nitong pababain ang presyo ng produktong petrolyo at langis.

Sa ginanap na Quezon City Journalist Forum kanina Marso 10 (Martes) binigyan diin ni Floranda na walang nakikitang malinaw at kongkretong tulong ang Oil Deregulation sa sektor ng transport group kung kaya’t dapat na itong (oil deregulation) ibasura.

“Walang malinaw kung paano nakakatulong ang oil deregulation sa sektong ng transportasyon kung kaya’t dapat na itong ibasura,” sabi pa ni Floranda.

Nabatid pa sa lider ng transport group, nanawagan ito sa LTFRB at sa gobyerno, baka kailangang tanggalin na ang Oil Deregulation Law dahil ito ang sanhi ng taas-babang presyo ng petrolyo sa bansa, sabi pa ng lider ng transportasyon.

Samantala, binatikos din ni Floranda ang Land Transportation Franchising and Rrgulatory Board (LTFRB) na ang mga fare increase na ipinatutupad ng gobyerno tuwing humingi ng dagdag pasahe ang mga transport group ay bahagyan lamang nakakatulong sa mga drivers lalo ngayon nagtaas ang presyo ng produktong petrolyo dahil sa tensyon sa Gitnang Silangan.

Kaugnay nito, nananawagan naman ang Liga ng Transportasyon at Operator sa Pilipinas (LTOP) national President Ka Lando Marquez sa Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) na gawing P15 na ang minimium fare sa jeep mula sa kasalukuyang P13 minimum fare.

Ayon kay Marquez, hindi na makapag-uwi ng maayos na kita ang mga driver ng jeep sa bawat araw na pamamasada dahil sa mataas na presyo ng diesel.

Samantala, nanawagan din si Floranda sa pamahalaan na tanggalin na ang P6 per liter na excise tax sa langis at P9 per liter na VAT sa oil imports upang mabawasan ang presyo ng petrolyo. Santi Celario

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here