Home HOME BANNER STORY Oil price rollback nakaamba sa sunod na linggo

Oil price rollback nakaamba sa sunod na linggo

MANILA, Philippines — Inaasahang muling bababa ang presyo ng produktong petrolyo sa susunod na linggo, batay sa pagtataya ng industriya mula sa international trading nitong nakaraang apat na araw.

Ayon kay Department of Energy-Oil Industry Management Bureau Assistant Director Rodela Romero, maaaring walang pagbabago o bumaba ng hanggang P0.30 kada litro ang presyo ng gasolina.

Samantala, posibleng bumaba ang presyo ng diesel ng P0.20 hanggang P0.50 kada litro at ng kerosene ng P0.10 hanggang P0.25 kada litro.

Ilan sa mga salik na nakaapekto sa inaasahang galaw ng presyo ay ang pagtaas ng presyo ng Saudi Aramco para sa mga mamimili sa Asya dahil sa lumalakas na demand mula sa China at India, pagbaba ng produksyon ng OPEC noong Enero, at ang reaksyon ng merkado sa ipinanukalang taripa ng dating US President Donald Trump sa Canada, Mexico, at China.

Nag-aanunsyo ng price adjustments ang mga kumpanya ng langis tuwing Lunes, na agad na naipapatupad sa Martes. Nitong linggo, tumaas ng P0.70 kada litro ang gasolina, habang bumaba ang presyo ng diesel ng P1.15 at kerosene ng P0.90 kada litro. RNT