MANILA, Philippines- Kumikilos ang mga awtoridad upang pigilan ang posibleng oil spill mula sa lumubog na Motor Tanker (MT) Terra Nova sa bahagi ng Manila Bay sa labas ng munisipalidad ng Limay sa lalawigan ng Bataan.
Sinabi ni Philippine Coast Guard (PCG) spokesperson Rear Admiral Armand Balilo noong Huwebes na kung ang lahat ng 1.4 milyong litro ng gasolina na dala ng barko ay tatagos sa dagat, ang oil spill ay maaaring umabot sa baybayin ng kabisera ng bansa, ang Maynila, at magiging pinakamalalang oil spill na dumaloy sa kasaysayan ng bansa.
Sinabi ni Balilo na ang gamit na langis ng barko lamang ang tumaas at ito ay minimal lamang.
Patungong Iloilo ang motor tanker upang maghatid ng langis nang tumaob at tuluyang lumubog sa silangang bahagi ng Lamao Point sa Limay.
“Of course, there is a big danger that Manila would be affected, even the shorelines of Manila because it is within Manila Bay,” sabi ni Balilo sa online briefing.
Nang tanungin kung ano ang mangyayari kung ang lahat ng 1.4 milyong litro ng gasolina ay tumagas sa dagat, sinabi ni Balilo na mayroon na silang contingency plan para sa worst-case scenario.
Sinabi ni Balilo na ang marine environmental protection personnel ng PCG ay pinakilos na rin para maiwasan ang oil slick.
Nagpadala ang PCG ng mga tauhan sa Navotas, Bulacan, at Pampanga upang subaybayan at paghandaan ang posibleng oil spill, kasunod ng paglubog ng Philippine-flagged MT Terra Nova.
Samantala, naka-deploy na ang BRP Melchora Aquino nito para magsagawa ng search and rescue operations.
Sinabi ni Balilo na 16 sa 17 crew na sakay ay nailigtas habang patuloy na hinahanap ng PCG team ang nawawalang tripulante.
Ang unang pinakamalaking oil spill sa kasaysayan ng bansa ay nangyari noong Pebrero 28, 2023 nang lumubog sa Mindoro ang MT Princess Empress lulan ang 800,000 litro ng industrial fuel sa Naujan, Oriental Mindoro.
Umabot ang paglilinis ng oil slicks sa Palawan at Pampanga ng Verde Island Passage sa Batangas na tumagal ng ilang buwan. Libo-libong mangingisda rin ang nawalan ng kabuhayan dahil sa insidente.
Kapag tumagas lahat ang 1.4 litro ng industrial fuel mula sa MT Terra Nova, sinabi ni Balilo na mahihigitan nito ang insidente sa Oriental Mindoro at magiging “worst oil spill ” sa bansa sa kasaysayan. Jocelyn Tabangcura-Domenden