Home SPORTS Olympic rings ipinatattoo ni LeBron

Olympic rings ipinatattoo ni LeBron

156
0

MANILA, Philippines – Ibinida ni NBA superstar LeBron James ang kaniyang bagong tattoo.

Ipinakita ni LeBron sa kanyang social media account ang  Olympic rings na nakaukit sa kanyang kanang siko.

Ayon kay LeBron, bahagi na ng kanyang buhay ang paglalaro noong 2024 Paris Olympics.

Inihayag din nito na hindi rin siya sigurado kung ito na ang huli niyang paglalaro sa  Olympics dahil sa edad na rin.

Nagwagi ng ikatlong gold sa Olympics ang 39-anyos na Los Angeles Lakers star  sa katatapos na Paris Olympics.

Si LeBron din ang itinalagang team captain ng Team USA at flag bearer sa opening games.

Sinabi ni LeBron na pagdating ng 2028 Los Angeles Olympics, siya ay nasa edad 44 na  kaya hindi niya matiyak kung makakapaglaro pa siya doon.JC

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here