SANTIAGO CITY, Philippines – Umaabot sa P30M halaga ang tinangay ng mga kawatan o ‘Termite Gang’ sa paghuhukay sa ilalim sa tapat ng isang pawnshop Brgy. Centro East dito sa nasabing Lungsod ng Santiago.
Posibleng apat na katao ang nanloob sa naturang pawnshop kung saan nalimas ang nasa humigit kumulang P30 Million halaga ng pera, gold bar at alahas na kinabibilangan ng mga personal at sanglang valuable items.
Dumaan sa drainage malapit sa kalsada ang mga suspek na dahilan para tuluyang mabutas ang front flooring ng establishimento at nang makapasok ay nagspray umano ng Black Paint ang mga kawatan sa lahat ng CCTV sa loob.
Hanggang sa tuluyan na ring sinira ang mga nakakandadong kwarto ng pwesto kung nasaan naman nakalatag ang mga vault kung saan tinatago ang mga nalimas na alahas at pera.
Nadiskubre na lamang ang sira-sira nang mga kagamitan at ilang bahagi ng business establishment nang magsisimula na sana ang kanilang operasyon.
Hanggang sa ngayon ay blangko pa rin ang kapulisan ang pagkakilanlan ng mga suspek.
Samantala, hindi lang ito ang unang pagkakataon na may nilooban sa pamamagitan ng paghuhukay sa mga establishment lalo sa mga pawnshop at bangko. Rey Velasco