ROME – Sinabi ng Vatican na ikinalungkot nito ang isang maikling palabas sa pagbubukas ng seremonya ng Olympics sa Paris na makikita ang parody ni Leonardo da Vinci ” The Last Super”.
“The Holy See was saddened by certain scenes at the opening ceremony of the Paris Olympic Games and cannot but join the voices raised in recent days to deplore the offense done to many Christians and believers of other religions,” sabi ng Vatican sa isang hindi pangkaraniwang pahayag na inilabas sa Pranses nitong weekend.
Ang segment sa seremonya noong Hulyo 26 ay kahawig ng eksena sa Bibliya ni Jesucristo at ng kanyang mga apostol na nagsalo ng huling pagkain bago ang pagpapako sa krus, ngunit itinampok ang mga drag queen, isang transgender na modelo at isang hubad na mang-aawit bilang ang diyos ng alak na Greek na si Dionysus.
Humingi ng paumanhin ang mga organizer ng Paris 2024 makalipas ang dalawang araw, sinabing walang intensyon na balewalain ang anumang relihiyosong grupo.
Sinabi ng artistikong direktor sa likod ng eksena na hindi ito naging inspirasyon ng Christian last supper, ngunit sa halip ay isang paganong kapistahan na nauugnay sa makasaysayang Olympics
“In a prestigious event where the whole world comes together around common values, there should not be allusions ridiculing the religious convictions of many people,” dagdag ng Vatican .
Hindi sinabi ng Vatican kung bakit naglabas ito ng pahayag mahigit isang linggo pagkatapos ng opening ceremony.
Nakatanggap ng tawag si Pope Francis noong Àgosto 1 Kay Turkish President Tayyip Erdogan at tinalakay ng dalawang lider ang kaganapan sa Paris.
Bagama’t kalaunan ay kinumpirma ng Vatican sa Reuters na naganap ang panawagan, hindi ito magkomento sa tinalakay ng mga pinuno. (Jocelyn Tabangcura-Domenden)