Home NATIONWIDE Tapyas sa agri budget lilinawin sa Kamara

Tapyas sa agri budget lilinawin sa Kamara

MANILA, Philippines – SINABI ng isang kongresita na hinihingian ng paliwanag ang gobyerno hinggil sa pagbabawas sa badget sa iminungkahing badget ng sektor ng agrikultura para sa 2025, noong nakaraang linggo, at idinagdag na dapat tugunan ng House of Representatives ang mga potensyal na isyu sa budget ng Department of Agriculture.

Nabatid sa ulat na ang gobyerno ay naglalaan ng P211.3 bilyon para sa agrikultura sa susunod na taon, 4.7% na mas mababa kaysa sa badyet ngayong taon. Ang bulto ng badyet ay gagamitin upang pondohan ang mga pagsisikap sa modernisasyon ng agrikultura at tulong na pera sa mga magsasaka at mangingisda, ayon sa isang buod mula sa departamento ng Badyet.

“Sa darating na budget deliberations, lilinawin natin sa Kongreso ang mga bawas at karagdagang pondo sa ilalim ng budget ng Department of Agriculture (DA), at kung paano natin ito magagamit para pondohan ang mga mahahalagang proyekto,” sabi ni Party-list Rep. Wilbert T. Lee sa isang Viber Message sa Filipino “Kabilang sa mga paksang dapat pag-usapan sa budget deliberations ay ang underspending ng DA dahil ang pagtaas ng pondo ay [walang kabuluhan] kung hindi ito ginagamit ng maayos,” dagdag niya.

Kaugnay nito iminungkahi ng gobyerno noong nakaraang linggo ang P6.352-trillion national budget para sa 2025, 10.1% na mas mataas kaysa ngayong taon at katumbas ng 22.1% ng gross domestic product. RNT