Home NATIONWIDE Omb. Remulla at ICI, pinakokomento ng SC sa petisyon ni Zaldy Co

Omb. Remulla at ICI, pinakokomento ng SC sa petisyon ni Zaldy Co

159
0

MANILA, Philippines – Inatasan ng Korte Suprema si Ombudsman Jesus Crispin “Boying” Remulla at ang Independent Commission for Infrastructure (ICI) na magsumite ng komento sa loob ng 10 araw mula sa pagtanggap ng abiso kaugnay ng petition for certiorari na inihain ni dating Ako Bicol Party-list Rep. Zaldy Co.

Kinuwestiyon sa petisyon ang resolusyon ng Office of the Ombudsman na nakakita ng probable cause upang kasuhan si Co at iba pa sa umano’y paglabag sa Anti-Graft and Corrupt Practices Act at malversation na may kaugnayan sa umano’y korapsyon sa flood control project ng gobyerno.

Kasama sa hinihiling ni Co ang pag-isyu ng Korte Suprema ng Temporary Restraining Order (TRO) kaugnay ng kanyang petisyon.

Gayunman, nilinaw ng SC sa en banc session na wala pa itong inilalabas na TRO ukol sa kaso.

“No TRO was issued by the SC.”

— Jocelyn Tabangcura-Domenden

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here