Home NATIONWIDE Ombudsman, DILG nanindigan sa suspensyon ng N. Ecija gov

Ombudsman, DILG nanindigan sa suspensyon ng N. Ecija gov

MANILA, Philippines- Inihayag ng Department of the Interior and Local Government (DILG) at ng Office of the Ombudsman nitong Linggo na naninindigan ito sa six-month preventive suspension order na inisyu nito laban kay Nueva Ecija Governor Aurelio Umali sa kabila ng restraining order na ipinalabas ng 11th Division ng Court of Appeals.

Ipinaliwanag ng Ombudsman na sinuspinde ng opisina nito si Umali, kanyang dating asawa at si ex-Nueva Ecija Governor Czarina Umali, at Provincial Environment and Natural Resources Officer Wilfredo Pangilinan dahil sa umano’y pag-isyu ng 205 permits para sa sand and gravel extraction sa lalawigan kahit walang rekisitos na Environmental Compliance Certificate o ECC.

Base sa DILG report, dalawang beses isinilbi ang kautusan noong umaga ng Mayo 22, 2024– sa Office of the Provincial Governor sa Cabanatuan at ikalawa sa New Provincial Capitol sa Palayan City.

Subalit, naglabas ang Court of Appeals ng resolusyon noong hapon ng Mayo 22 kung saan iginawad ng korte ang aplikasyon ni Umali para sa temporary restraining order “partly on the basis of the indispensability of Umali’s office in connection with the delivery of services to his constituents.” RNT/SA