Home ENTERTAINMENT Sheryl, ibinuking ang pambabasag ng puso ni Anjo!

Sheryl, ibinuking ang pambabasag ng puso ni Anjo!

Manila, Philippines – Sa interview ni Sheryl Cruz sa Fast Talk With Boy Abunda, sinabi niya na inalok siya noon ng dating boyfriend na si Anjo Yllana ng kasal pero hindi natuloy.

Ang dahilan, nakabuntis daw ng ibang babae ang komedyante.

Sabi ni Sheryl, “He asked for my hand in marriage, and I said yes. And then I found out na he got somebody pregnant, so kahit paano ‘di ba, he broke my heart.”

Isinantabi na ito ni Sheryl ngayon at sinabi niyang mabuti silang magkaibigan ni Anjo.

“That’s already water under the bridge. We’re good friends,” sabi niya.

Noong magpunta sa States, doon niya nakilala ang kaniyang naging asawa na si Norman Bustos, at nauwi rin sa hiwalayan ang kanilang kasal.

Matapos nito, ikinuwento ni Sheryl na sinubukan nila ni Anjo na magkabalikan.

“It was actually amazing because by the time I went back here sa Philippines, I, myself, got separated and divorced. And then nagkaroon kami ng moment wherein we were able to see each other again, and we were able to catch up on things and tried to, I guess have another go at it,” sabi niya.

Inilahad ni Sheryl na hinangaan niya si Anjo dahil sa pagiging mabuting ama nito.

“Ayos naman ‘yung mga anak niya. Same thing naman for me.

“If you really didn’t quite work out with your relationship, then it doesn’t mean that you cannot be a good parent,” sabi niya.

Napapanood ngayon si Sheryl sa “Lilet Matias: Attorney-At-Law” na pinagbibidahan din ni Jo Berry, na napapanood ng 3:20 PM sa GMA Afternoon Prime. Rommel Placente