Home NATIONWIDE Ombudsman Remulla di pa tapos kay Villanueva

Ombudsman Remulla di pa tapos kay Villanueva

299
0

MANILA, Philippines – Sinabi ni Ombudsman Jesus Crispin Remulla na hindi pa sila tapos sa kaso ni Senador Joel Villanueva hinggil sa kanyang 2016 dismissal order na tila binaliktad nang “lihim” ni dating Ombudsman Samuel Martires.

Sa isang panayam inamin ni Remulla ang kanyang pagkadismaya nang malaman na binaliktad ng kanyang hinalinhan ang desisyon sa umano’y maling paggamit ni Villanueva sa kanyang 2008 Priority Development Assistance Fund (PDAF) noong siya ay kongresista pa.

Sinabi ng Ombudsman na sinisikap ngayon ni Villanueva na magmukhang na-harass siya sa pulitika hinggil sa kaso.

Sinabi ni Remulla na may naramdaman siyang mali sa pagsisikap na “pagtakpan ito.”

Hihilingin sana ni Remulla kay Senate President Vicente “Tito” Sotto III na ipatupad ang ruling na inilabas ni dating Ombudsman Conchita Carpio-Morales nang “ibunyag” ni Villanueva ang clearance na natanggap niya mula kay Martires.

Samantala, inihayag ni Remulla na siya ay na-diagnose na may leukemia noong 2023. Ito ay noong panahon na siya ay sumailalim sa isang quintuple heart bypass. Jocelyn Tabangcura-Domenden

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here