Home NATIONWIDE Ombudsman Remulla, maglalabas ng memo para bawiin limitasyon sa SALN access

Ombudsman Remulla, maglalabas ng memo para bawiin limitasyon sa SALN access

316
0

MANILA, Philippines – Inihayag ni Ombudsman Jesus Crispin Remulla na maglalabas ang kanyang tanggapan ng memorandum sa susunod na linggo upang bawiin ang mga limitasyon sa pag-access ng publiko sa Statement of Assets, Liabilities and Net Worth (SALN).

Sa isang press briefing nitong Biyernes, sinabi ni Remulla na inaasahang mailalabas ang memorandum “hopefully by Wednesday.”

Noong panahon ni dating Ombudsman Samuel Martires, nilimitahan ang access sa SALN sa pamamagitan ng Memorandum Circular No. 1, Series of 2020, na nag-aatas sa sinumang humihingi ng kopya na magsumite ng notarized authorization mula sa mismong opisyal—na nagbawal sa publiko at midya na makakuha ng dokumento nang walang pahintulot.

Dagdag ni Remulla, plano rin ng kanyang opisina na magpatupad ng crowdsourcing mechanism upang makapagsumite ang publiko ng impormasyon laban sa mga dapat imbestigahan. RNT

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here