Ito ang mga katagang panghikayat ng mga mamimili at tindera sa Palengke ng Silang, Cavite ng magawi si dating Alkalde Omil Poblete roon.
Tila ang mga Silanguenos ang pilit na nagtutulak sa dating Alkalde na muling tumakbo kasabay ng pangakong suporta ng mga ito.
Karamihan sa mga vendor ay sinabi kay Poblete na nais nila manumbalik ang dating alkalde upang maibalik sa mabuting kamay ang Silang.
Si Poblete ay kilala sa pagiging matulungin kung saan nang ito ay nakaupo, maraming proyekto ang nagawa na sa ngayon ay malaking tulong at patuloy napapakinabangan sa Silang.
Malalaman sa darating na Oktubre kung ang iyak at hiling ng mga Silanguenos ay tutugunan ng dating alkalde. RNT