Home SPORTS ONE title shot ni Zamboanga purnada, nagka-injury

ONE title shot ni Zamboanga purnada, nagka-injury

MANILA, Philippines — Isa pang ONE Championship title shot ng Filipino mixed martial artist na si Denice Zamboanga ang kailangang maghintay dahil sa injury.

Nakatakdang harapin ni Zamboanga si Alyona Rassohyna ng Ukraine sa ONE Fight Night 25: Nicolas vs. Eersell II sa Oktubre, subalit kailangang umupo sa ONE interim atomweight MMA championship match  dahil sa isang hamstring injury.

Ang No. 2 women’s atomweight ay nagtamo ng pinsala sa panahon ng kanyang pagsasanay.

“Sa kasamaang palad, noong isa sa aking mga sparring session, nakarinig ako ng isang malakas na snap, at alam ko kaagad na may isang bagay na seryoso,” sabi niya.

“Nakakadurog ng puso dahil matagal ko nang hinihintay ang pagkakataong ito,” dagdag nito.

Dapat lumaban ang  27-anyos na fighter  para sa atomweight title laban sa Stamp Fairtex noong Marso, ngunit ang laban ay na-reschedule sa Hunyo.

Ngunit si Stamp ay dumanas ng punit na meniskus dalawang linggo bago ang laban, dahila para harapin ni Zamboanga Noelle Grandjean.

Nanalo si Zamboanga sa pamamagitan ng unanimous decision, na naglagay sa kanya sa unahan ng title race.

Kakailanganin niya ang isa hanggang dalawang buwan ng therapy bago siya ma-clear sa pagsasanay.

“I’ve faced challenges before, and I’ll face them again. Buhay pa rin ang pangarap kong maging World Champion, at hindi ako titigil hangga’t hindi ko ito nakakamit,” wika nito.

Sa kanyang bahagi, nagpadala si Stamp ng mabubuting salita sa kanyang dating kasama sa pagsasanay.

“Ikinalulungkot kong marinig ang tungkol sa pinsala ni Denice. Natuwa talaga ako sa laban ni Denice kay Alyona. It was a highly anticipated match,” wika nito.

“Sana gumaling siya kaagad at makabalik sa pagsasanay sa lalong madaling panahon,” sabi ni Stamp. “Inaasahan kita ng mabilis na paggaling, aking kaibigan!”