Home NATIONWIDE ‘One Vision, One Ocean’: Pinas, ipinarinig na ang ASEAN 2026 anthem

‘One Vision, One Ocean’: Pinas, ipinarinig na ang ASEAN 2026 anthem

202
0

MANILA, Philippines – IPINARINIG na ng Pilipinas ang official anthem at ipinakita ang music video para sa 2026 hosting nito sa Association of Southeast Asian Nations (ASEAN), bitbit ang pananaw ng pagtsart ng kinabukasan na nakaangkla sa “pagkakaisa at sama-samang pag-unlad.”

“Carrying the unifying message of One Vision, One Ocean, the anthem delivers a stirring call for resilience, solidarity, and collective progress,” sinabi ng ASEAN National Organizing Council (NOC) sa isang kalatas.

Paliwanag ng ASEAN NOC, “the lyrics portray nations bound by the sea, weathering tides and storms together, guided by hope and a shared purpose.”

“It affirms that ASEAN rises, shines, and moves forward as one community,” dagdag pa ng ASEAN NOC.

Samantala, tampok naman sa music video ang mga kuha ng mahahalagang lugar sa ASEAN member states, na naglalarawan ng makukulay na kultura, mayamang pamana, masiglang lungsod, at iba’t ibang tradisyon.

Ipinapakita nito ang pagkakaisa sa kabila ng pagkakaiba at binibigyang-diin ang matibay na ugnayan ng mga mamamayan sa Timog-Silangang Asya.

“Through powerful imagery and music, the ASEAN 2026 anthem and MTV celebrate the region’s interconnectedness and reinforce its collective commitment to stability, cooperation, and sustainable growth,” nakasaad sa kalatas.

“By unveiling the anthem and MTV, the Philippines underscores its dedication to leading a cohesive, forward-looking, and resilient ASEAN community toward a shared future,” ayon pa sa kalatas.

Bilang ASEAN chair ngayong taon, layon ng Pilipinas na palakasin ang regional cooperation laban sa umuusbong at non-traditional na banta habang itinutulak ang “greater economic integration.”

Sa susunod na linggo, magho-host ang Pilipinas ng 35th ASEAN Socio-Cultural Community (ASCC) Council Meeting and Related Meetings at isusulong ang ikatlong prayoridad nito sa “people empowerment” sa pamamagitan ng pagrerepaso sa regional progress sa edukasyon, kalusugan, social development, kultura, at kapaligiran. Kris Jose

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here