MANILA, Philippines- Umaasa ang Department of Agriculture (DA) ng positibong local onion production ngayong taon.
Sinabi ng DA na ang volume ng onion production para sa 2024 ay tinatayang lalampas sa 300,000 metric tons (MT).
Ito ay mas mataas sa mahigit 250,000 MT dami ng produksyon para sa mga pananim na nakita noong 2023, batay sa datos mula sa Philippine Statistics Authority (PSA).
“We’re expecting positive production for the year,” ang sinabi ni DA spokesperson Arnel de Mesa.
Sinabi pa niya na ang presensya ng harabas o fall army worm ay bahagyang nakaapekto sa mga ani, subalit ang epekto naman ng peste sa onion production ay naibsan “by the pro-active efforts of the national and local government.”
Tinuran ng DA na 8% ng kabuuang production area ay naapektuhan ng peste.
“With the pro-active efforts of the national and local government, the effect is considered negligible,” ayon kay De Mesa.
Binigyang-diin pa ng DA ang kahalagahan ng regular monitoring ng onion farms para agad na tugunan ang anumang production challenges na makaaapekto sa kalidad at dami ng naani.
“Let us practice early reporting and monitoring of unusual events in the farms,” pahayag ni DA Assistant Secretary Genevieve Velicaria-Guevarra.
Para naman kay Bureau of Plant Industry (BPI) Director Glenn Panganiban, magbibigay ang DA ng technical support program sa onion farmers at agricultural extension workers para makapagbigay sa mga industry stakeholders ng epektibong gamit at kaalaman sa pangangasiwa sa production areas.
Idinagdag pa ng DA na magtatatag ito ng mas maraming storage facilities hindi lamang para sa mga sibuyas kundi maging sa iba pang “high value crops.”
Samantala, ipinag-utos naman ng Agriculture Department ang pansamantalang suspensyon ng pag-angkat sa sibuyas hanggang Mayo para mapigilan ang nakapanlulumong presyo ng sibuyas dahil sa pagdagsa ng suplay. Kris Jose