Home NATIONWIDE Tobacco farmers, nagpasaklolo sa gov’t sa WHO global tobacco conference

Tobacco farmers, nagpasaklolo sa gov’t sa WHO global tobacco conference

MANILA, Philippines- Humingi ng tulong ang mga Filipino tobacco farmer sa mga opisyal ng gobyerno na idepensa ang kanilang kabuhayan sa nalalapit na World Health Organization conference on tobacco control.

Tinukoy nito ang pangako ng gobyerno na palawakin ang tobacco production sa ilalim ng bagong roadmap.

Habang naghahanda ang international delegates na magsama-sama para sa WHO Framework Convention on Tobacco Control Conference of the Parties (COP), nagpahayag naman ng pagkabahala ang grupo ng mga magsasaka ukol sa mahalagang papel ng tratado sa paghubog ng global tobacco policies at potensyal na epekto sa kanilang kita.

“Our lives are deeply intertwined with tobacco farming,” ayon kay Leonardo Montemayor, dating agriculture secretary at board chairman ng Federation of Free Farmers.

“With the Department of Agriculture roadmap affirming its long-term support for tobacco farming, we hope that the Philippine government will take that commitment to heart when championing our industry in this upcoming COP,” dagdag na wika ni Montemayor.

Tinukoy naman ni Philippine Tobacco Growers Association president Saturnino Distor ang Sustainable Tobacco Enhancement Program ng gobyerno bilang ebidensiya sa potensyal ng industirya.

Ang FCTC, ay international treaty na pinangangasiwaan ng COP, magdaraos ng 10th biennial meeting sa Panama sa darating na Pebrero 5-10 para i- assess ang progreso ng treaty implementation. Kinansela ang pulong na itinakda noong Nobyembre 2023.

Layon nito na tugunan ang mga mahahalagang usapin sa tobacco regulation at global public health, nakatuon sa “novel and emerging tobacco and nicotine products.”

Ang WHO FCTC ay binatikos ng public health experts para sa pag po-promote ng mahihigpit na polisiya laban sa mga nasabing produkto, sa kabila ng harm reduction bilang ” a key tobacco control strategy.”

Sa kabilang dako, inilunsad naman ng National Tobacco Administration ng DA ang STEP para palakasin ang industriya at tiyakin ang “longevity” nito.

Tinuran naman ni Undersecretary Deogracias Victor Savellano na maaari namang suportahan ng industriya ang local economies at panatilihin ang kabuhayan ng mga magsasaka.

Sinabi pa ni Savellano na ang export potential ng indigenous tobacco ay maaaring magpalakas sa foreign exchange reserves ng bansa.

Ayon naman sa NTA, nag-employ ang tobacco sector ng mahigit sa 2.1 milyong Filipino at nakapag-ambag sa kita ng pamahalaan, na may P160 billion na nalikom sa excise taxes noong 2022. RNT