Home NATIONWIDE Online application para sa TUPAD, scam – DOLE

Online application para sa TUPAD, scam – DOLE

MANILA, Philippines – Nagbabala sa publiko ang Department of Labor and Employment (DOLE) na mag-ingat sa kumakalat na online application para sa Tulong Pangkabuhayan sa ating mga Disadvantage Workers program ng Department of Labor and Employment.

Binigyan-diin ni Labor Sec. Bienvenido Laguesma, na walang online application ng TUPAD programs na ibinabahagi ang kanyang Kagawaran.

Base sa online post gamit ang TUPAD DOLE na may mukha pa ni Pangulong Ferdinand Bongbong Marcos Jr, makatatanggap ng anim na libong piso o isang libong piso ang magiging kwalipikadong aplikante mula sa nasabing programa.

Ayon kay Laguesma, hindi ipinamimigay ang TUPAD program sa kahit sinuman dahil ito ay kailangan dumaan sa ebalwasyon nila kung dapat ba o hindi na makapasok ang isang indibidwal.

Binigyan na ng Kalihim ng direktiba ang lahat ng mga regional directors na makipag-ugnayan sa local NBI at PNP na tulungan at hanapin ang mga nagpopost ng nasabing advertisement dahil masyado itong nakakapinsala sa isang magandang programa. Jocelyn Tabangcura-Domenden