Home METRO Suspek sa hit-and-run sa basketball player sa Cebu, naaresto na

Suspek sa hit-and-run sa basketball player sa Cebu, naaresto na

MANILA, Philippines – Naaresto na ang suspek sa hit-and-run case na kumitil sa buhay ng isang basketball player sa Cebu na si Aaron Karl Tan.

Ito ay makalipas ang ilang buwan na makumpirmang responsable ang suspek sa hit-and-run incident malapit sa Redemptorist Church sa Cebu City noong Pebrero 4.

Makalipas ang apat na araw, naghain ng reklamong murder ang pulisya laban kay Tan sa Cebu City Prosecutor’s Office.

Matatandaan na nasawi ang 23-anyos na si Jeslar Uriel Larumbe nang banggain ng isang sports utility vehicle sa insidente ng “road rage.”

Kalaunan ay natukoy ang suspek makaraang marekober ang SUV at ilang CCTV footage ng insidente.

Sa kabila ng pagtanggi ni Tan na sangkot siya sa krimen, namonitor ng pulisya na nasa Cebu City ang suspek nang mangyari ang insidente.

Ayon kay Police Captain Mark Don Alfred Leanza, hepe ng Abellana Police Station, naaresto ang suspek bandang 2:15 ng hapon nitong Lunes, Mayo 6. RNT/JGC