Home NATIONWIDE Online fake news peddlers na konektado sa Tsina ibinabala ng media watchdog

Online fake news peddlers na konektado sa Tsina ibinabala ng media watchdog

MANILA, Philippines – Isang media watchdog ang nagbabala laban sa isang umano’y network ng social media accounts na nagpapakalat ng maling impormasyon tungkol sa Pilipinas at kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr., lalo na sa isyu ng West Philippine Sea.

Ayon sa PressOne.PH, hindi bababa sa 107 account ang naglalathala ng magkaparehong post, kung saan 25 sa mga ito ay may pangalang Tsino. Ipinapakalat ng mga ito ang naratibong sunud-sunuran ang Pilipinas sa Amerika at hindi dapat makialam sa usapin ng West Philippine Sea.

Dahil nalalapit na ang midterm elections sa 2025, nagbabala ang grupo na maaaring maapektuhan ang boto ng mamamayan dahil marami ang umaasa sa social media para sa impormasyon. Kinilala naman ng Commission on Elections (Comelec) ang banta at nangakong aalisin ang mga pekeng balita upang mapanatili ang patas na halalan.

Samantala, ipinakita ng Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC) ang kanilang bagong tool na kayang tukuyin kung peke ang isang video sa loob lamang ng 30 segundo. Hinihikayat nila ang publiko na suriin ang online na impormasyon bago ito paniwalaan o ipakalat. Santi Celario