Home NATIONWIDE Quiboloy pinababalik na sa Pasig City jail ng korte

Quiboloy pinababalik na sa Pasig City jail ng korte

MANILA, Philippines – Ipinag-utos na ng Pasig RTC na ibalik na sa kulungan si Kingdom of Jesus Christ (KOJC) founder Apollo Quiboloy.

Ayon kay Atty. Joeie Domingo, iniutos ng Pasig City Regional Trial Court-Branch 159 na ibalik si Quiboloy sa kulungan ng Bureau of Jail Management and Penology (BJMP) sa Pasig City maliban na lamang kung talagang dumaranas si Quiboloy ng medical condition na nangangailangan ng agarang atensyon.

Sinabi ng korte na may kakayanan naman ang medical facilities ng BJMP para tumugon sakaling mangangailan ng medikal na pangangailangan sivQuiboloy.

Magugunita na Enero ng payagan si Quiboloy na manatili sa government hospital dahil umano sa sakit na pneumonia.

Sinabi ni Domingo na hiniling ng kampo ni Quiboloy na payagan ang kanilang kliyente na manatili pa sa ospital at makapag rekord ng mga videos para sa kanyang senatorial bid.

Gayunman, duda ang prosekusyon na may sakit talaga si Quiboloy.

Si Quiboloy ay nahaharap sa kasong human trafficking bukod pa sa kasong Special Protection of Children Against Abuse, Exploitation, and Discrimination Act. Teresa Tavares