Home NATIONWIDE Online learning programs para sa mga Pinoy sa Japan alok ng UP

Online learning programs para sa mga Pinoy sa Japan alok ng UP

121
0

MANILA, Philippines- Maaari nang mag-enroll ang mga Pilipinong naninirahan sa Japan sa University of the Philippines Open University sa pamamagitan ng UP Ventures for Innovative Transnational Academia (UP VINTA).

Binibigyang-daan ng UP VINTA ang transnational education, kung saan maaaring makakuha ng degree ang Filipino students sa bansa mula sa premier university ng Pilipinas.

Alok ng UP VINTA ang sumusunod na 2-year programs: Associate of Arts in Digital Entrepreneurship, Associate of Science in Information Technology, Associate of Science in Instructional Design and Technology, Associate of Arts in Digital Design and Arts, at Associate in Arts.

Maaaring dumalo ang mga interesadong indibidwal sa UP VINTA Learning Caravan ng 10 am JST, Linggo, May 25, sa Philippine Embassy sa Tokyo.

Ginagamit sa programa ang flexible platforms tulad ng Open and Distance e-learning (ODeL), upang makadalo ang geographically remote students sa mga klase sa Pilipinas.

Bukod sa Japan, binuksan din ng UP VINTA ang pintuan nito para sa mga Pilipinong naninirahan sa United Arab Emirates (UAE), Taiwan, Thailand, Hong Kong, Singapore, at Qatar. RNT/SA

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here