Home NATIONWIDE Online seller, 2 kasabwat timbog sa P850K tobats

Online seller, 2 kasabwat timbog sa P850K tobats

MANILA, Philippines – LAGLAG sa drugs buy bust operation ang isang grupo ng babae at mga lalaking mga tulak sa Bgy. San, Dionisio Parañaque City.

Inaresto bandang pasado alas 6:15 ng umaga ng Marso 5 ng Parañaque City Police Station Drug Enforcement Unit ang tatlong suspect kabilang ang isang online seller matapos na kumagat sa pain ng mga awtoridad sa isinagawang drugs buy bust operation sa Draga Street, Bgy. San Dionisio, Parañaque City .

Kinilala ang tatlong naarestong suspect na sina alias Weng, ang online seller; alias Jerico, at alias Erwin, na pare-parehong nahaharap sa kasong paglabag sa Section 5 at 11 ng Republic Act 9165, o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

Sa inisyal na imbestigasyon ng pulisya, nagtataka ang mga kapitbahay kung ano ang hanapbuhay ng tatlo dahil may kwentong lumulutang na namimigay sila ng kitchen goods kabilang ang cooking oil.

Nakumpiska sa naturang operasyon ang tinatayang 125 gramo ng shabu na aabot sa P850,000.00.

Narekober din ng mga operatiba ang P1,000 na buy bust money at ginamit na boodle money.

Kasalukuyang nakadetine ang mga suspek sa Parañaque City Police Station Detention Facility. Dave Baluyot

Previous articleP2M pera, alahas nananakaw sa Zambo mall; mga kawatan dumaan sa manhole
Next articleObesity, usaping health factors ‘di fat shaming – DOH