Home METRO Online seller timbog sa bultong yosing walang babala

Online seller timbog sa bultong yosing walang babala

Bulacan- Arestado ang isang online seller matapos mahulihan ng bultong ilegal na sigarilyo sa entrapment operation ng mga awtoridad sa lungsod ng Malolos.

Sa report, ikinasa ang operasyon ng Northern NCR MARPSTA na may koordinasyon sa Bulacan Provincial Police Office bandang alas-3:15 ng hapon nitong Marso 17 sa parking area ng isang mall sa Brgy. Longos.

Ayon sa report, nang mabilhan umano ng pekeng yosi ng undercover officer ang target na si alyas “Boy” na walang naipakitang legal authorization mula sa kinauukulan ay agad itong inaresto ng mga awtoridad.

Sinasabing ang target ay sangkot sa pagbebenta ng sigarilyong walang babala o without the required Graphic Health Warning na tuwirang paglabag sa R.A 10643 (The Graphic Health Warning Law) and R.A 10175 (Cybercrime Prevention Act). Dick Mirasol III